Walang tayo pero mahal kita…

Standard

Naranasan mo na bang ma inlove sa taong kaibigan lang yung tingin sayo? Yung tipong isang tingin nya lang parang naririnig mo na yung tibok nang puso mo at kahit yung katabi mo ay rinig na rinig ito? kahit malayo pa sya eh naamoy mo na yung pabango nya? Nag eexpect ka na kakausapin ka, hahawakan yung kamay mo at sasabihan kang mahal ka din nya?

Nakakalito… Ang hirap mag assume na mahal ka din nang taong mahal mo. May mga tao kasing sadyang paasa. Yung bang feeling-close tsaka sasabihan ka na ‘parang kapatid lang kasi yung tingin ko sayo’ or di kaya ‘sa barkada walang talo-talo’ kaya nga binarkada mo para maging close kayo at heto po yung mas masakit ‘Makakakita ka din nang mas mahigit pa sa akin’ ano yun? Search?! Walang hiya siya, matapos ka nyang paasahin eh kung ano-anong dahilan yung sasabihin. Yung winiwish mo na sana hindi ka na lang niya kinausap, hindi na lang niya kinuha yung number mo or di kaya hindi mo na lang ito ibinigay, hindi mo inaccept yung friend request niya sa lahat nang social media kung saan siya active. Sana wala nang deeper relationship na nabuo kasi isa siyang malaking PAASA!

Masakit isipin na despite na gaano mo kabuti sa taong ito, maghahanap pa nang iba, titingin pa sa iba, magkikipag close pa sa iba. Minsan akala mo siya na yung taong para sayo, yun pala maling mali ka. Hindi mo kayang mabuhay na wala siya pero siya kayang kaya niya. Nagsimula kayong magkaibigan magtatpos kayo na parang wala lang nangyari, bale wala yung pinagsamahan, bale wala kasi para sa kanya kaibigan ka lang. Masakit. Sobrang sakit pero wala kang magagawa kundi magparaya dahil masarap naman sa loob na makita siyang masaya kahit iba na yung kasama. Masarap pero sobrang sakit. Kaya find ways to move on, be with great people. Find your niche. Be yourself.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s